Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsasara ng higit 500 PETC inalmahan ng environmental group

0 95

Inalmahan ng isang environmental group na Ani Kalikasan ang pagsasara ng Department of Transportation ng mahigit 500 private Emission Testing Center sa bansa.

Ayon kay Jun Evangelista, National President ng Ani Kalikasan, hindi makatwiran at walang legal na basehan ang pagsasara ng DOTr sa naturang mga PETC upang umano’y mawalan ng kakumpetensiya ang pinapaborang Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs).

Ang alegasyong ito ay naisampa na ng grupong Ani Kalikasan sa Presidential Complaint Center sa Malakanyang.

Sinabi ng grupo na ginagamit umano ang Department Order no. 2016-020 sa pagsasara sa PETCs. Ang naturang kautusan ay nagpapatupad ng moratorium sa pagtanggap ng mga bagong PETC dahil sa aniya’y madami na ang emission centers.

Gayunman, sinabi ni Evangelista na hindi tumanggap ng bagong PETC application for authorization ang ahensiya pero nag-accredit naman ito ng mga bagong PMVICs na nagsasagawa rin ng emission testing sa mga iparerehistrong sasakyan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.