Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsasara ng higit 500 PETCs inalmahan ng environmental group

0 180

Inalmahan ng isang environmental group na Ani Kalikasan ang pagsasara ng Department of Transportation sa operasyon ng mahigit 500 private Emission Testing Center sa bansa.

Ayon kay Jun Evangelista, national President ng grupong Ani Kalikasan, hindi makatwiran at walang legal na basehan ang pagsasara ng DOTr sa naturang mga PETCs upang umano’y mawalan ng kakumpetensiya ang pinapaborang Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs).

Ang alegasyong ito ay naisampa na ng grupong Ani Kalikasan sa Presidential Complaint Center sa Malakanyang.

Sinabi ng grupo na ginagamit umano ang Department Order no. 2016- 020 sa pagsasara sa PETCs. Ang naturang kautusan ay nagpapatupad ng moratorium sa pagtanggap ng mga bagong PETC dahil sa aniya’y madami na ang emission centers.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Gayunman, sinabi ni Evangelista na hindi tumanggap ng bagong PETC application for Authorization ang ahensya pero nag-accredit naman ito ng mga bagong Private Motor Vehicle Inspection Centers na nagsasagawa din ng emission testing sa mga iparerehistrong sasakyan.

Binigyang ni Evangelista na mali na gamitin ang DO 2016- 020 dahil ang sinasabi lang dito ay ang hindi pagtanggap ng bagong authorization ng PETCs ng DOTr at hindi ang pagsasara ng mga kasalukuyang PETCs na matagal nang legal na nag-ooperate para sumuri ng usok ng tambutso ng mga iparerehistrong sasakyan.

Hirit ng Ani Kalikasan president na tulungan na lamang ang mga kasalukuyang nag-ooperate na PETCs na mapahusay pa ang sistema ng pagseserbisyo sa mga motorista at hindi ang pag-aasikaso sa pagpapadami ng mga pinapaborang PMVICs sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.