Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsasara ng mga korte sa ECQ, MECQ pinalawig

0 218

Inanunsyo ng Supreme Court (SC) na pinalawig ang pansamantalang pagsasara ng mga korte sa lahat ng lugar na sakop ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ hanggang Abril 30.

Sa inilabas na Administrative Circular No. 22-2021, sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na lahat ng mga korte na sarado ay maaaring makontak ng publiko sa mga judiciary hotline at email address na naka-post sa SC website na sc.judiciary.gov.ph.

Ang mga lugar na nasa MECQ ay ang Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite, Rizal, Abra, Quirino at Santiago City sa Isabela.

Mayroon namang mga lugar na nagpatupad ang mga local government unit ng localized ECQ.

Sakop ng kautusan ang SC, Court of Appeals, Court of Tax Appeals at Sandiganbayan.

Noong Marso 26 unang inutos ang pagsasara ng mga korte sa National Capital Region Plus dahil sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.