Abante Tonite Interactive

Pagsibak kay Faeldon pinuri ng mga senador

0 347

Pinuri ng mga senador ang ginawang pagsibak ni Duterte kay Faeldon.

“Expected. The controversy is untenable. But I hope the other officials will also be asked to resign,” reaksiyon ni Senate Presidente Vicente Sotto III.

Sabi naman ni Senador Panfilo Lacson, “Firing Faeldon ang giving 15 days for the 1900 released convicts to surrender are reasons enough for me to continue supporting Presidente Duterte’s advocacies and programs against crimininality.

Giit naman ni Senador Joel Villanueva, “ This is a commendable move of the President in response to the series of failure in leadership of Faeldon and his association with corruption.”

“I support the President’s decision,” sabi naman kay Senate Minority Leader Franklin Drilon:

Sabi ni Senador Imee Marcos, “Thank you, Mr. president, for protecting our families from these criminals! Now it’s the job of congress n the senate 2 sort out the GCTA asap.”

Ayon naman kay Senador Francis Pangilinan, panalo ito ‘di lang ng mga magulang nina Eileen at Allan, panalo ito ng taumbayang uhaw sa katarungan, panalo ito ng mga taumbayang handang ipaglaban ang tama.

“Kung hindi nagpakita ng galit ang taumbayan, malamang nakalaya na si Sanchez at marami pang iba. Patunay ito na makapangyarihan ang taumbayang tumataya at naninindigan para sa katarungan,” saad ni Pangilinan.

Umaasa rin siyang hindi na ililipat ng ibang ahensiya si Faeldon.

“At huwag lang ilipat si Faeldon sa iba pang ahensya. Kasuhan siya ng perjury sa kanyang pagsisinungaling sa Senado at possible violation of Section 3e of the Anti-Graft and -Corrupt Practices Act (RA 3019) para sa pagpapalaya ng mga presong di-karapat-dapat.

Dapat magsilbing aral ito sa administrasyon na kapag tinanggal ang nasasangkot sa anomalya, kinakasuhan ito at hindi nililipat sa ibang ahensya para magkalat ulit ng kapalpakan,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)