Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsibak ng grupo ni Pacquiao kay Duterte komedi – PDP

0 119

Tinawag ng isang opisyal ng PDP-Laban na “isang matinding komedya” ang ginawang pagsibak ng grupo nina Senador Manny Pacquiao at Aquilino `Koko’ Pimentel III kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang chairman ng partido.

Binigyang-diin ni PDP-Laban secretary general Atty. Melvin Matibag na wala aniyang posisyon si Pimentel sa partido.

“Wala siyang katuturan sa partido at hindi rin niya ito kinakatawan. Ang kanilang grupo ay mapagpanggap at kulang sa pansin,” ani Matibag sa isang pahayag na nilabas nitong Linggo.

SM food to go Banner Ad

Diin pa ni Matibag na mananatiling chairman ng PDP-Laban si Pangulong Duterte.

Nauna rito ay inihayag ni Ron Munsayac na ipinalit kay Pangulong Duterte si Pimentel bilang bagong PDP-Laban chairman.

Sabi ni Munsayac, inihalal ng mga orihinal na miyembro ng PDP-Laban ang mga bagong opisyal nito sa isang national council meeting na ginanap kahapon ng hapon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.