Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsirit ng COVID-19 sa NCR umpisa na

0 106

Nagsisimula na umano ang muling pagsirit ng COVID-19 case sa Metro Manila bago mag-Pasko dahil sa pagtaas pa ng reproduction rate ng mga nahahawa.

Ayon sa record ng University of the Philippine-OCTA Research Group, mula sa 1.06 Reproduction Rate (RO) noong nakaraang linggo, pumalo na ito ngayong Martes sa 1.15 RO.

Nabatid na sa medical standard, nagkakaroon umano ng malakihang community reproduction kapag lumagpas na sa 1 RO ang virus o sakit.

“It is in this light that we believe, based on our analysis of the data and of the past trends in the NCR (National Capital Region) that a surge in its early stages has already started in the region. This is a serious cause for concern,” ayon OCTA.

Sa kabila nito, naniniwala ang OCTA na maaari pang maibalik ang mababang reproduction rate kung mag-uumpisang magpatupad ng ibayong disiplina at sumunod ang publiko sa mininum health standard at iwasan ang ang mga party, kantahan, inuman at mga matataong lugar.

Nalaman na kabilang ang National Capital Region, Rizal, Bulacan, Isabela, Leyte, Pangasinan, South Cotatabo, Negros Oriental at Davao City sa ‘areas of concern ng Department of Health. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.