Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsirit ng COVID case sinisi sa UK variant

0 83

Posible umanong dahilan ng pagtaas ng COVID positive sa bansa ang ang mga bagong COVID variant, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng pagtaas ng kaso ng kontaminasyon sa ilang mga lugar.

Aniya, mayroong anim na South African variant habang mahigit 30 UK variant ang nakita sa bansa. Ang mga ito umano ay mabilis makahawa kaya mahalagang panatilihin ang pagsunod sa basic health protocol.

“There is new detection of this South African variants kung saan meron po tayong nadiskubre. Tatlo dito ay galing sa Pasay, dalawa ay dalawang OFWs na galing sa UAE and Qatar, yung isa ay vine-verify pa po natin kung anong lokasyon niya dito sa Pilipinas,” ani Vergeire.

Dahil dito mahigpit na nagbabantay ngayon ang mga local official para obserbahan ang kanilang mga komunidad at agad na maipaalam sa DOH kung mayroong pagtaas sa mga kinakapitan ng COVID-19.

Sa kabila ng timataas na kaso ng COVID, sinabi ni Vergeire na mayroong sapat na bed capacity ang mga hospital. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.