Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsirit ng COVID sa Baguio binabantayan

0 214

Mino-monitor na ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng kaso ng coronavirus sa Baguio City.

Sa isang virtual briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na posibleng resulta iyon ng aggressive testing at contact tracing sa nakalipas na dalawang linggo.

Dagdag niya, ang 13.5 porsyentong positivity rate na naitala sa lungsod ay mataas kumpara sa benchmark na 5% ng World Health Organization.

Sinabi ni Vergeire na ang pagtaas ay kapansin-pansin kapag nagluwag sa pagsala ng mga tao sa mga hangganan ng lungsod.

Magugunitang nagpapapasok na ang Baguio ng mga turista mula sa Luzon upang makarekober ang kanilang ekonomiya. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.