Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsirit ng COVID wag isisi sa publiko – VP Robredo

0 528

Naniniwala si Vice President Leni Robredo na hindi ang publiko ang dapat na sisihin sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang pahayag ay ginawa ni Robredo bilang reaksyon sa nauna nang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na matitigas ang ulo ng mga Cebuano sa hindi pagsunud sa health protocols na naging dahilan ng paglobo ng COVID cases sa Cebu City.

”Mali iyon kasi kapag sinisi mo sa tao, self-defeating na agad. Parang ang presumption agad masama iyong tao.

Kapag sinabi natin na ‘yung tao ang problema, parang baliktad ito sa dapat nating ginagawa. ‘Yung tao ang dapat proteksyunan, bakit sila ‘yung salarin?” pahayag ni Robredo sa panayam sa kanya ng Teleradyo Cebu.

Pinaalalahanan ni Robredo ang mga government officials na ang pangunahing responsibilidad nito ay ipatupad ang quarantine para masiguro ang kaligtasan ng lahat at hindi para itrato ang tao bilang syang problema. (Tina Paguirigan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.