Abante Tonite Interactive

Pagsugpo sa depresyon adbokasya ni Boy Abunda

2,096
tonite-this-is-it-roldan-castroMatagumpay ang BRATS (Boy R. Abunda Talks 2) ni Boy Abunda na na ginanap sa Seda Vertis North Hotel. Tungkol ito sa Mental Health Stories.
Nandoon din sina Jasmine Curtis, Bela Padilla, Kylie Versoza, Queenie Maravillas at Nykko Bautista. Ito ay handog ng  Make Your Nanay Proud.
Sumuporta rin ang Pre­sident & CEO ng Beautederm Corporation na si Ms. Rhea Ramos Anicoche Tan.
Puring-puri ni Ms. Rhea ang pagiging speaker ni Kuya Boy.
“Masaya. Meaningful talk about life and hope. Overcoming depression. I am very proud na nag-support ako sa advocacy ni Dr. Boy Abunda,” deklara ni Ms. Rei.
“Dati ko na kasi  siyang  naririnig sa mga conventions na dinadaluhan ko. Ngayon lang talaga ‘yung malapitan. One of the reasons siya kaya ako na-inspire mag- masscom. Idol ko siya bilang speaker. Napakatalino.
“Now, mas lalo ko siyang in-admire. Sobrang down to earth po na tao.
Kahit big star siya, hindi siya nagpaparamdam ng gap,” bulalas pa ni Ma’am Rhea.
Nakasama raw niya sa BRATS ang mga ambassador niya gaya nina  Vice Mayor Donya Tesoro of Tarlac, Maricel Morales, Shyr Valdez at Rochelle Barrameda.
Anyway, nagce-celebrate ngayon ang Beutederm ng kanilang 9th anniversary.
Magkakaroon din siya ng National Sales Conventions na gaganapin sa Clark, Pampanga sa November 23 -25. Ang speaker mga niya ay sina Boy Abunda , Francis Kong at Chinkee Tan.