Abante Tonite Interactive

Pagsunog kay ex-cong planado

561

Kabisado at lumilitaw na sadyang pinlano ng mga ‘di pa kilalang salarin ang pagpaslang kay dating Batangas 2nd District Rep. Edgar Mendoza at sa kasama nito.

Sa nakuhang CCTV footage ng mga awtoridad, mula sa Punzalan highway na nag-uugnay sa bayan ng San Juan, Batangas at Tiaong, Quezon, dumaan ang kotse sa barangay naman ng San Juan bago maghatinggabi ng Miyerkoles.

Binaybay nito ang 2-kilometrong hindi sementadong barangay road patungo sa tulay.

Hininto ang sasakyan sa gitna ng nasa 70 metrong habang tulay at saka sinunog.

Palaisipan pa rin sa mga imbestigador kung bakit sa liblib na lugar sinunog ang kotseng pag-aari ng dating kongresista.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng kabisado ng mga salarin ang naturang tulay na nasa ilang na lugar sa pagitan ng Brgy. San Juan at Brgy. San Francisco sa Tiaong kung saan sinunog ang sasakyan na sinasakyan ng tatlong hindi pa matukoy na mga biktima.

Ayon pa sa mga imbestigador base na rin sa pahayag isang saksi, nakita umano nito ang paghinto ng kotse sa tulay at makalipas ang 20-minuto ay bigla ng nagliyab. Kasunod nito ang pag-alis umano ng dalawang motorsiklo. (Ronilo Dagos)