Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsuot ng face mask, shield katumbas ng pagbakuna – expert

0 71

Hinimok ng isang epidemiologist ang publiko na patuloy pa ring magsuot ng face mask at face shield lalo na’t limitado pa ang coronavirus vaccine sa bansa.

Sabi ni Dr. John Wong, ng sub-technical working group ng Inter-Agency Task Force, ang populasyon na nagsusuot ng face shield maliban pa sa face mask ay 89.9% protektado laban sa coronavirus.

Dagdag niya, kasing epektibo ito ng pagpapabakuna.

SM food to go Banner Ad

“The best thing to do is to continue to wear your face masks and face shields. They’re as effective as vaccines,” sambit ni Wong sa isang online media briefing ng Department of Health ngayong Biyernes.

Magugunitang matapos ang holiday season ay tumaas ang kaso ng COVID-19 sa bansa pati na mga variant nito.

Ngayong araw ay sumirit sa 40,074 ang active case ng coronavirus sa Pilipinas matapos makapagtala ng record high na 3,045 bagong tinamaan ng virus.

Kabuuan namang 118 ang mga COVID-19 variant case at mutation. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.