Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsuot ng face shield nirekomenda

0 432

Napipintong magsuot na rin ng face shield bukod sa face mask ang publiko.

Inanunsiyo ng COVID-19 task force na aamiyendahan nito ang minimum health standards sa Metro Manila at Calabarzon kung saan ninirekomenda na rin ang paggamit ng nasabing pangontra sa virus.

Sa mensahe sa bayan ni Presidente Rodrigo Duterte na inere ngayong araw, sinabi ni Presidential Spokesperson at COVID-19 Task Force Spokesperson Harry Roque na may apat na kondisyon para manatili sa general community quarantine (GCQ) ang status ng Metro Manila at Calabarzon kahit papataas ang mga kaso ng COVID-19 doon.

SM food to go Banner Ad

“Ito ang hugas kamay, suot ng mask, at social distancing. At pagsuot na rin po ng face shield,” wika niya.

Hindi naman binanggit ni Roque kung kailan ito magiging epektibo.

Samantala, nilinaw naman ni Trade Secretary Ramon Lopez na sa ngayon, hindi pa required kundi rekomendasyon pa lang ang pagsusuot ng face shield na posibleng mauwi rin sa mandatory. (Prince Golez/SDC)

Leave A Reply

Your email address will not be published.