Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagsuspinde sa PETC may proseso – DOTr

0 181

Ipinahayag ng Department of Transportation (DOTr) na binibigyan nila ng due process bago desisyonan ang mga paglabag sa operasyon ng mga private emission testing center (PETC).

Reaksyon ito ng DOTr kaugnay sa ulat na isang grupo ng mga PETC owner ang lumiham kay Pangulong Rodrigo Duterte para ireklamo ang diumano’y panggigipit sa kanila ng mga opisyal ng naturang kagawaran.

“All decisions made by the DOTr were based on actual photos which clearly show the violations of the Department Order on the operations of PETCs. All the data are in the servers of DOTr Investigation Security and Law Enforcement Staff (ISLES). This Service stands as the prosecutor during their case and the Franchising Review Staff (FRS) hears the case,” sabi ng DOTr.

Ayon sa DOTr binibigyan ng “substantive and procedural due process” ang mga PETC subalit totoo rin umano na marami sa mga ito ang binawian ng permiso para mag-operate.

Gayunman, nilinaw din ng DOTr na hindi naman awtomatikong pinapalitan agad ang mga PETC na binawian ng permit. Sabi ng DOTr, may formula sila sa pagtukoy kung ilang PETC ang papayagan s aisang lugar base sa bilang ng mga rehistradong sasakyan.

Sinabi pa ng DOTr na hindi rin `discriminatory’ ang kanilang Motor Vehicle Inspection System (MVIS) at hindi pinagbabawal na mag-apply dito ang mga nagmamay-ari na ng PETC.

Leave A Reply

Your email address will not be published.