Abante Tonite Interactive

Pagtaas ng tigdas ‘wag isisi sa PAO

252

Iginiit ni Public ­Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na hindi dapat sisihin ang kanyang tanggapan sa pagtaas ng mga kaso ng tigdas sa bansa.

Ang reaksyon ay ginawa ni Acosta matapos isisi sa PAO ni Health Secretary Francisco Duque III kung bakit tumatanggi ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak dahil sa mga nangyayaring pagkamatay ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

“Ang nangyayari diversionary tactics ‘yang ginagawa nilang ‘yan,” ayon kay Acosta.

“Dina-divert nila sa ibang issue. Pero ang issue meron po silang criminal acts sila, nagpaturok sila ng isang experimental Dengvaxia,” dagdag pa ni Acosta.

Nabatid na tinutulungan ng PAO sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa Department of Justice (DOJ) ang mga kaanak ng mga nasawing bata dahil sa Dengvaxia.

Kabilang sa mga res­pondents sina Duque at dating Health Secretary Janette Garin kasama ang mga opis­yal ng Sanofi Pasteur.

“Sino ba ang nag-utos magturok at magpaturok? DOH, si Sec. Garin at mga opis­yal ng mga nakaraang administrasyon at itong Nob. 30, 2017 si Dr. Duque nagtuturok pa,” ayon pa kay Acosta.

Sa halip, sinabi ni Acosta na ang mga taga-DOH ang dapat na magbayad.