Abante Tonite Interactive

Pagtalak ni George, $35K ang katumbas

0 512

Pinagmulta ng NBA ng $35,000 (P1.7M) si Clippers star Paul George dahil sa kritisismo nito sa mga game official.

Pagkatapos ng 110-103 loss ng Clippers sa 76ers nitong Martes, hindi napigilan ni George ang sarili.

Luto raw ang laro.

“I thought we played well, we lost by seven,” aniya, ayon kay Ohm Youngmisuk ng ESPN. “There was some home-court cooking tonight, to say the least.”

Tinukoy pa niya ang foul ng magkabila – 19 sa Los Angeles, 11 sa Philadelphia.

“I mean, it was 19 to 11,” sagot ni George nang pigain sa sinasabing home-court edge ng Sixers. “You all figure out what those numbers are. It was 19 to 11.”

Pang-walong pagkakataon na pinagmulta si George dahil sa pambabatikos sa mga game official. At sa mga penalty na iyon, ilang beses niyang nabanggit ang ‘home cooking’.

Si NBA executive vice president of basketball operations Kiki VanDeWeghe ang nagkumpira ng multa. (Vladi Eduarte)