Abante Tonite Interactive

Pagtalikod sa EU aid huwag itago

101

Walang dapat na itago ang pamahalaan kaugnay sa isinusulong nitong independent ­foreign policy ­kasunod ng desisyon nitong hindi na tatanggap ng develop­ment aid mula sa European Union (EU).

Ayon ito kay Senator Bam Aquino kasabay ng pagsasabing dapat maging bukas at malinaw lalo na sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa pagdating sa mga tulong at loan, at sa posisyon nito ukol sa militarisasyon ng mga teritoryo ng Pilipinas.

“Kailangang maging malinaw ang pamahalaan sa taumbayan ukol sa direksyon nito sa foreign policy. Filipinos deserve to know dahil sila ang direktang maaapektuhan, lalo na sa trabaho, negosyo at presyo ng bilihin,” ayon kay Aquino.

Ayon pa sa Senador, sa takbo ng pangyayari ay tila ang Palasyo lamang ang nakakaalam ng mga detalye sa direksyon na nais nilang tahakin.

“Kailangan nila itong isapubliko para sa ­kaalaman ng taumbayan,” giit ng senador.

Tinawag naman ni Senator Antonio Trillanes IV na isang “reckless and whimsical decision” ang ginawa na ito ng ­administrasyon.

Sa halip na maging arogante ang Pangulo ay dapat magpasalamat ito sa mga nag-aalok na tulong.

“Instead of being ­arrogant and hateful, as president of a developing country, Duterte ought to be grateful that there are donor countries that are concerned about the plight of our countrymen and are willing to help us,” ayon kay Trillanes.