Abante Tonite Interactive

Pagtalunan, Cocker of the Year na, bullstag solo champ pa

328

Dinale ni Engr. Hermie Pagtalunan ng Los Manos Gamefarms (Franzopia) ang 2019 Luzon Gamecock Breeders­ Association (LGBA) Cocker of the Year at ang 5-bullstag title noong Biyernes matapos ang third leg ng LGBA derby series sa Pasay City Cockpit.

Umiskor ang sabungerong si Pagtalunan ng 15 panalo sa 19 sultada.

Malayong bumuntot sa kanya sina Jimmy Junsay/Dennis Reyes ng Sto. Nino Guadalupe Jared sa 14 points, at Custer Tiu/Irving Santiago ng Keith Aris Hot City IJI, na naka-13.5 markers.

Samantala, mga astig na sultador ng Laguna, Batangas, Quezon, Rizal at Cavite ang mga lulusob sa PCC mamaya para naman sa “LAGBA 4-Cock Derby”.

May mga padrino sa Sagupaan Superfeeds at Complexor 3000, ito ang huling paderbi ng PCC sa Abril dahil ang kasunod na event ay sa Mayo 3 na, ang “JTC Big Event 6 -Cock Derby” ni Jojo Cruz ng National Cockers Alliance.

Ilan sa mga kasapi ng Laguna Gamefowl Breeders­ Association na sasali ay sina Sonny Lagon, Pol Estrellado, Jun Cuello, Joey at Buboy delos Santos, Ting Coscoluella, Gov. Eddiebong Plaza, Arman Santos, Mayor Raffy Campos, Edwin Aranez, Muroy Dolorico, Lester Edoc, Alex Alea at Ben Mondragon.

Naghahanda rin ang LGBA sa “9M Luzon Breeders Cup 9 -Stag Derby” sa July 12 sa Pasay Cockpit din. (Enjel Manato)