Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagtanggal kay Veloso sa narco-list ok lang – PDEA

0 7

Nirerespeto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang utos ng Court of Appeals na tanggalin ang pagkakabilang ni Leyte Congressman Vicente Veloso III sa ‘narco-list’ o listahan ng mga politiko na umano’y sangkot sa bentahan ng iligal na droga at wasakin lahat ng mga dokumento at impormasyon na nag-uugnay sa mambabatas sa talaan.

Binigyang-diin ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na lahat ng kanilang aksiyon ay alinsunod sa utos ng Office of the Solicitor General na kanilang principal law office at legal defender ng pamahalaan na naatasan para pangasiwaan at gampanan ang aksiyong ligal kung kinakailangan.

Una nang sinabi ng CA na dapat umanong alisin ang pangalan ng kongresista sa narco-list dahil kailanman ay walang naipakitang matibay na basehan ang pamahalaan para siya ay idiin sa mga sangkot sa kalakaran ng droga sa bansa. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.