Abante Tonite Interactive

Pagtapak ni Kathryn sa GMA, trending

630

                                                                                                                                          Nag-number one trending sa Twitter ang guesting ni Kathryn Bernardo sa “Unang Hirit” kahapon sa hashtag na #KathAldenOnUH. Nag-guest ang aktres sa nasabing Kapuso morning program para sa promo ng movie nila ni Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye.” Of course, kasama niya rin ang kanyang leading man na nag-guest since as we all know ay Kapuso actor naman talaga ito.

 


Naging mainit naman ang pagtanggap kay Kathryn ng mga taga-Kapuso at dito nga nalaman ng lahat na hindi ito ang unang tapak ng aktres sa GMA network dahil dati naman pala siyang Kapuso star.

 


Ipinakita ng “Unang Hirit” ang mga video clips ng na­ging teleserye ng Kathryn sa network na “Endless Love” na gumanap siya bilang young Marian Rivera.

 


Neneng-nene pa nga si Kathryn sa nasabing teleserye at si Kristoffer Martin ang kapareha niya.
Dapat pala ay kasama si Kathryn sa youth oriented show ng GMA-7 noong 2010 na “Tween Hearts” pero mas pinili niya na manatili sa ABS-CBN at gawin ang remake ng “Mara Clara.”
Natanong si Kathryn kung sino sa mga GMA stars pa ang gusto niyang makatrabaho at si Marian ang isinagot ng aktres.
“Si Ms. Marian Rivera. Siya lang ‘yung artistang nasa-star struck ako. Hindi kami nagkasama pero nagkikita kami sometimes sa events, pumunta siya nu’ng sa debut ko, and sobrang saya ko.”
Para kay Kathryn, si Marian daw ang pinakamaganda sa buong mundo.

Jhong ayaw sumabak sa teleserye

Ngayong tapos na ang eleksyon, balik na sa pag-arte si Jhong Hilario at mapapanood siya this Saturday sa “Ipaglaban Mo” sa “Kalaguyo” episode.
Ayon sa aktor na napapanood din sa “It’s Showtime” bilang isa sa mga hosts, pagkatapos ng last teleserye niyang “FPJ’s Ang Probins­yano” ay na-miss rin daw niya ang pag-arte. Matatandaang umalis siya sa serye last March dahil bawal nga sa mga politikong artista ang mapanood sa TV du­ring campaign time.
Si Jhong ay muling nahalal bilang konsehal ng first district of Makati nitong nakaraang May elections.
Ani Jhong in his recent interview, nakaka-miss daw talaga ang pag-arte.
“Ang tagal ko sa ‘Ang Probinsyano’ tapos, nawala tayo nang ilang months, so sabi ko nu’ng meron na ulit acting (offer), sabi ko, ‘ay sige, tutal, hindi naman tele­serye.’
“Kasi siyempre, ayoko na munang mag-teleserye dahil gusto ko munang mag-focus sa Makati at sa ‘Showtime’, para at least, wala namang masabi sa atin ang mga constituents natin.
“Kaya ‘yun, nu’ng sinabi na may ‘Ipaglaban Mo’, ‘ah okay lang ‘yan, 2 araw lang naman na shoot ‘yan,’” sey ni Jhong.
Excited rin siya dahil first time niyang makakasama ang former beauty queen na si Cindy Miranda at ang aktres-model na si CJ Jaravata. Kasama rin dito ni Vhong si Nikki Valdez, mula sa direksyon ni Carlo Po Artillaga.

***

‘Babae’ ni Dingdong iaanunsyo na

Kinumpirma na ni Dingdong Dantes na ngayong buwan na iaanunsyo ng GMA-7 kung sino ang leading lady niya sa inaabangang “Descendants of the Sun.”
Matatandaang nauna nang inanunsyo ng GMA-7 na si Dong ang gaganap na Big Boss sa “DOTS” na orihinal na ginampanan ng South Korean actor na si Song Joong Ki.
Ngayon ay ang lea­ding lady naman ang nakatakda nilang ianunsyo o ang gaganap na Dra. Kang/Beauty na orihinal namang ginampanan ni Song Hye Kyo.
Dalawa lang naman ang matunog na napapabalitang magiging leading lady ng “DOTS”– sina Ma­rian Rivera at Jennylyn Mercado. Kung sino sa dalawang ito, ‘yan ang dapat abangan.
Samantala, masa­yang-masaya naman si Dong na siya ang napi­ling maging Brand Ambassador ng Caltex.