Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagtapos ng ostrich at baboy: Baka rumampa sa highway

0 419

KUNG nag-viral man kamakalawa ang paglalakwatsa ng ostrich at baboy sa mga kalsada, nakunan naman ng video ang pagtakbo ng isang baka sa isang major highway sa Iloilo City kahapon.

Sa social media post ni Bep Chavez na inilabas sa online ng ABS-CBN, ipinasilip nito ang pagrampa ng isang baka sa gilid ng kanilang sasakyan sa Benigno Aquino Avenue sa Iloilo City.

Kita rin sa video ang paghabol ng pulis na tila pugante ang nakatakas.

Hindi naman natukoy sa video kung paano napadpad sa highway ang baka, at kung naibalik na ito sa kanyang amo.

Matatandaan na nitong Martes lang ay isang ostrich ang nagtatakbo sa isang village sa Quezon City.

Kasunod nito ay baboy naman ang namataan na hinahabol din sa isang flyover. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.