Abante Tonite Interactive

Pagtatag ng Philippine Railways Institute inutos ni Digong

0 194

Nilagdaan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang executive order na magtatatag ng Philippine Railways Institute (PRI) na magsisilbing research at training center para sa railway industry ng bansa.

Sa paglagda sa Executive Order 96 na pinirmahan noong Nobyembre 21, 2019, ang PRI ang mangangasiwa sa pagpaplano, pagbubuo ng regulasyon at administrive agency para sa pagpapaunlad ng transport sector.

Ang nasabing ahensya ay isasailalim sa supervision ng Department of Transportation (DOTr).

“There is an urgent need to develop the human resources capacities of railways personnel to ensure their availabi­lity and competence, ang guarantee their compliance with generally accepted standards of practice, as well as the rules ang regulations pertaining to the safety, operation, and maintenance of railways,” sabi ni Duterte.

Sa ilalim ng EO 96, bubuuin ng PRI ang mga kinakailangang division, certification at accreditation bukod sa research development kung saan ang tatayong executive director ay itatalaga ng Pangulong Duterte. (Prince Golez)