Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagtatalaga ng mga Basilika ni San Pedro at San Pablo!

0 95

Ginunita ng Simbahan nitong (Nobyembre 18) ang Pagtatalaga ng mga Basilika ni San Pedro at ni San Pablo, dalawang pagdiriwang na pinagsanib sa iisang pista ni Papa Pio IX noong Disyembre 10, 1854. Ang nasabing selebrasyon ay pagbibigay-pugay sa kadakilaan ng dalawang haligi ng Simbahang Katolika.

Ang mga dambana, na binagong anyo ng panahon ay parehong makikita sa Roma ay sikat na destinasyon ng mga peregrino dahil sa kaugnayan ng mga ito kina San Pedro at San Pablo. Tumatayong patotoo ang dalawang sityo para sa mga mananamapalataya sa pananalig na patuloy na nubuhay si Kristo sa kanyang mga alagad.

Ayon sa tradisyon, si San Pedro ay ipinako sa krus katulad ni Kristo (ngunit patiwarik) noong 64 AD sa Vatican Hill sa panahon ng pag-uusig sa Simbahan ni Emperor Nero. Naging paboritong lokasyon ng mga naunang Kristiyano ang lugar. Noong taong 323 AD nagtayo si Constantine the Great ng malaking basilika sa nasabing pook.

Sa pagdaan ng panahon, nang lumawig ang impluwensiya ng Kristiyanismo bilang opisyal na relihiyon ng Imperyo Romano at kapangyarihan ng Santo Papa naging tampok na tirahan ng Pope ang St. Peter’s. Dahil sa marupok na materyales na ginamit sa gusali sinimulang baguhin ang istraktura noong Siglo XIV.

Ang kasalukuyang kamangha-manghang basilika ni San Pedro na makikita sa Vatican City ay nabuo at binasbasan ni Pope Urban VIII noong Nobyembere 18, 1626. Pinaniniwalaang nasa ililim mismo ng altar nito ang libingan ni San Pedro, ang ‘Prinsipe ng mga Apostoles.’

Mahaba rin ang kasaysayan ng Basilika ni San Pablo na makikita sa ‘Tre Fontane’ o Aquae Salviae na matataguan sa pamosong Ostian Way. Rito naganap ang pagpugot sa ulo ng tinaguriang ‘Apostol ng mga Hentil’ na inilibing sa lupang donasyon sa Simbahan ng isang nagngangalang Luciana.

Sinimulan ni Constantine ang Iglesya ni San Pablo ‘Outside the Walls’ na libingan ng martir ngunit natapos sa panahon ni Pope Leo the Great sa tulong ni Emperor Theodosis I. Gayunman, nasunog ang kayarian noong 1823. Ang ngayong nakikitang dambana ay natayo sa pagtutuungan ng kontribusyon ng mga tagapagpala sa iba’t ibang panig ng mundo at muling inilaan sa Diyos noong 1854.

San Pedro at San Pablo, Ipanalangin ninyo kami!

Leave A Reply

Your email address will not be published.