Abante Tonite Interactive

Pagtawid sa Rockets ni Melo, pinaplantsa

By
907

Unti-unti nang lumi­linaw ang pagtawid ni Carmelo Anthony sa Houston, lumalapit ang pagsasama nila nina James Harden at Chris Paul sa Rockets.

Binayaran ng Atlanta Hawks ang kontrata ni Melo nitong Lunes, at siguradong hindi nila papipirmahin ang 10-time All-Star.

Aabutin ng 48 hours bago makompleto ni Anthony ang waivers, opisyal na magiging free agent ngayon.

Plano raw ni Anthony na pumirma ng $2.4 million veteran’s minimum deal para maglaro sa Rockets ngayong season.

May $27.9 million pa si Anthony sa Oklahoma City Thunder para sa susunod na season. Ikinasa ng Thunder ang three-team trade sa Atlanta at Philadelphia kaya napunta si Anthony sa Hawks.

Sa kanyang 15-year career, nag-average ang 34-anyos na si Anthony ng 24.1 points. pero career-low niya ang ave­rage na 16.2 points per game sa Thunder noong nagdaang season.

Hindi nawala ang kanyang pulso bulang spot-up shooter, ganit­o rin ang inaasahang magiging papel niya sa Rockets.