Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagtigil ng virus bulletin isang pagkakamali — Zubiri

0 181

Naniniwala si Senate­ Majority Leader Juan Miguel Zubiri na isang pagkakamali ang plano ng Department of Health (DOH) na paghinto sa pagpo-post ng daily COVID-19 case bulletin sa social media.

Aniya, ang daily bulletin ay isang kasangkapan ng publiko upang malaman ang ‘positivity rate of infections’ sa bansa.

“Whether it is decreasing or increasing, it is the right of the people to know this and be informed about it,” giit ng senador.

Hinimok din ni Zubiri ang DOH na ipagpatuloy ang pag-aanunsiyo upang magabayan ang lahat lalo na ngayong may banta na ng Omicron variant sa bansa.

Nauna rito, inanunsiyo kahapon ng DOH na titigil na ito sa pagpo-post sa social media ng COVID-19 cases update mula Ene­ro 1, 2022 pero makikita pa naman umano ito sa kanilang website.

Ipinaliwanag naman ng Malacañang na gagawin ito ng DOH upang mas mapagtuunan ng pansin ang pagbabakuna. “Ang magiging focus na lang natin ngayon really is the vaccination rate and hospital utilization rate, critical serve and mild cases,” ani acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.