Abante Tonite Interactive

Pagtitipid sa kuryente

By
346

Halos lahat ng kagamitan sa bahay natin ay pinapagana ng kuryente. Ito rin ang isa sa mga bills na mataas pagda­ting ng bayaran dahil sa kailangan ito sa araw-araw. Kaye heto ang ilang ­energy saving tips:

1. Patayin ang ilaw at alisin ang ibang saksakan kung aalis naman ng bahay.

2. Ugaliing alisin din ang mga saksak kung hindi naman ginagamit kahit ikaw ay nasa bahay. Dahil ito ay kumukonsumo pa rin ng kuryente.

3. Kung maraming TV sa loob ng bahay gaya ng isang TV sa bawat kuwarto, kung gustong makatipid at kung puwede ay sa sala na lang manood ang lahat at makakapag-bonding pa kayo.

4. Turuan ang mga bata sa inyong tahanan na magtipid sa kuryente.

5. Ang ilaw na LED ay malakas ang liwanag ngunit maliit lang ito kumonsumo ng kuryente. Kaya nga lamang may kamahalan ang presyo nito ngunit makakatipid ka naman pagdating sa pagkonsumo ng kuryente.

6. Mas mabuting may mga halaman sa inyong tahanan dahil nakatutulong ito sa pagkakaroon ng hangin.

7. Buksan ang mga bintana upang sumingaw ang init sa loob at pumasok ang hangin sa bahay.

8. Kung may aircon naman, mabuti kung ito ay may timer. O hindi kaya’y ugaliin ang pagbukas sa aircon hanggang 2 oras lamang dahil kadalasan sa madaling-araw ay malamig naman na.

9. Ugaliing pag-isahin ang mga gawaing bahay kung kaya gaya ng paglalaba. Kung gagamit ng washing machine at dryer, siguraduhing puno ito upang sulit ang pagkonsumo sa kuryente.