Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagturok sa kabataan simulan na

0 86

Kailangan na umanong simulan ang pagbakuna sa kabataan na nasa 12 hanggang 17-anyos laban sa COVID-19.

Ito’y sa sandaling maaprubahan ang panukalang resolution na inihain ni 5th District Councilor Allan Butch Francisco sa QC Council para mabakuhan ang kabataan na menor de edad.

Nakasaad sa inihaing resolusyon ni Francisco na isama ang mga edad 12 hanggang 17 sa go­vernment vaccination program.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ayon sa panukala ni Francisco, kasama ni 4th District Councilor Marra Suntay, tungkulin ng estado na protektahan ang karapatan para sa kalusugan ng mga residente ng lungsod kabilang ang mga menor de edad dahil sa dumaraming kaso ng nagpopositibo sa sakit.

Layunin ng resolus­yon na maprotektahan ang kabataan laban sa nasabing virus.

Leave A Reply

Your email address will not be published.