Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan, 2 pa aaksiyon uli

0 136

Balik sa aksiyon ang tatlong bet ng ‘Pinas na sina Juvic Pagunsan ng Bacolod, Angelo Que ng Manila at Fil-Am Justin delos Santos sa 48th Japan Golf Tour 15th leg ¥50M Dunlop Srixon Fukushima Open Grandee Nasushirakawa Golf Club sa Hunyo 24-27.

Huling nakipaghampasan ang tatlo sa 14th leg, ¥150M JGTC Mori Building Cup Shishido Hills sa Kasama City, Ibaraki Prefecture noong June 3-6. Pero hanggang Jun. 4 lang sila tumagal dahil nagsablayan sa cut.

May korona na si Pagunsan, 43, sapul nang kumampanya sa mayamang pro circuit noong 2012 nang maghari sa Mizuno Open nitong Mayo sa Okayama.

Gayundin si Que na nagbida sa 2018 Top Cup Tokai Classic sa Aichi.

Wala pang napapapanalunan si Delos Santos. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.