Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan, 2 pa kakayod uli

0 138

Ipagpapatuloy nina Juvic Pagunsan at Justin Delos Santos kasama na rin si Angelo Que ang paghahanapbuhay sa pagsiklab ngayong Huwebes ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 ninth leg, ¥100M (P44.7M) 61st The Crowns sa Wago Course ng Nagoya Golf Club sa Nagoya City, Aichi Prefecture.

Balik din sa mayamang continental men’s pro circuit si Que bilang pangatlong pambato ng ‘Pinas na makikipagrambulan sa titulo katapat ang 102 pang players sa four-day, 72-hole event na ¥20M (P9.8M) ang nakalaan sa champion.

Opisyal na 153 events na ito ni Pagunsan, 42, ng Bacolod sapul nang makapasok sa JGT noong 2012 pero wala pang titulo, habang pangwalo ng Fil-Am na si Delos Santos, 25, buhat noong 2019 na wala ring panalo.

At 94th JGT tournament naman na kay Que, 42 mula noong 2015 na may isang korona, ang 2018 Top Cup Tokai Classic na nagkakahalaga ng ¥22M (P9.8M). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.