Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan 55th lang

0 132

Itinala ni Juvic Pagunsan ang one-under-par 70 sa pang-apat at huling round upang tumapos na 55th place sa 60 entries sa Tokyo Olympics men’s golf individual sa Kasumigaseki Country Club sa Saitama, Japan Linggo ng hapon.

Nagtala ng dalawang bogey ang Pinoy shotmaker sa holes 2 at 18 habang naka-birdie sa ika-3, 5 at 6 na mga butas para sa 34 sa front nine at 36 sa back nine.

SM food to go Banner Ad

Sablay siyang mahigitan ang 53rd spot ni Miguel Luis Tabuena sa 2016 Rio de Janeiro Olympics. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.