Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan 55th sa 1st round

0 65

Nagsalpak si 2020+1 Tokyo Olympian Juvic Pagunsan ng one-under par 71 sa pagsisimula ng depensa sa titulo ng 49th Japan Golf Tour 2022 Leg 7 ¥80M (P33M) 52nd Mizuno Open sa JFE Setonaikai Golf Club sa Kasaoka City, Okayama Prefecture Huwebes.

Katabla niya ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si Justin Delos Santos at 21 iba pa na umupo sa pang-55 puwesto sa 143 mga kalahok, iwan ang grupo ng seven-stroke kay solo leader Todd Baek ng USA na may 8-under 64.

Isang hampas lang humihinga sa batok ng Kano si Australian Anthony Quayle na may 65. Kasunod ang dalawang Hapones na sina Takumi Murakami at Ryo Ishikawa na mga nakapasok ng tig-66.

Ang tagumpay rito ni Pagunsan noong isang taon ang nagpalaro rin sa kanya para sa Summer Olympics sa Japan. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.