Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan 70 sa Kansai 1st round

0 199

Tumira si Juvic Pagunsan ng one-under par 70 upang mahanay sa 18 magkakatabla sa ika-42 puwesto at maiwan ng six strokes sa siklab Huwebes ng 88th Japan Golf Tour 2020-21 eight leg 87th Kansai Open Championship sa Royal Course ng Arima Royal Golf Club sa Kobe City, Hyogo Prefecture.

Ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si Fil-Am Justin Delos Santos, may malamyang eight-over 79 para malagay sa triple-tie sa 145th spot sa 150-player, ¥60M (P26.9M), 72-hole, 4-day golfest na may ¥12M (P5.3M) top purse.

SM food to go Banner Ad

Nag-apoy sa six-under identical 65s sina Nippons Tomoyo Ikemura at Tomohiro Izhizaka para sa leadership at one-stroke edge sa apat nilang mga kalahi. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.