Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan asam 2nd Japan title

0 146

Asinta ni Juvic Pagunsan ang ikalawang titulo sa 10 taong pagkampanya sa 48th Japan Golf Tour 15th leg ¥50M (P22M) Dunlop Srixon Fukushima Open Grandee Nasushirakawa Golf Club sa Fukushima sa Hunyo 24-27.

Kinopo ng 43 taong-gulang na Pinoy shotmaker mula sa Bacolod ang unang kampeonato sa mayamang men’s pro circuit sa Mizuno Open nitong May 27-30 sa Okayama na nagbiyaya sa kanya ng P5M biggest paycheck sapul noong 2012.

SM food to go Banner Ad

Ang dalawa pang PH bet sa 143-player, four-day event ay sina Aneglo Que ng Manila at Fil-Am Justin delos Santos.

Magagrasyahan ang maghahari sa 72-hole stroke play ng ¥10M (P4.4M). (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.