Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan asam ika-2 titulo

0 161

Itutuloy ni Juvic Pagunsan ang momentum sa pag-asinta sa ikalawang titulo sa pagbubukas ngayong Miyerkoles ng 48th Japan Golf 14th leg, ¥150M (P65.3M) JGTC Mori Building Cup Shishido Hills sa Shishido Hills Country Club West Course sa Kasama City, Ibaraki Prefecture.

Winakasan ng Pinoy shotmaker mula sa Bacolod ang isang dekadang tagtuyot sa JGT nang pagharian ang

SM food to go Banner Ad

13th leg ¥80M (P35.2M) 51st Mizuno Open nitong Linggo sa Okayama sa dalawang palong panalo kay home bet Ryutaro Nagano.

Dinale niya rin ang ¥12M (P5.2M) at ang slot kasama ang Japanese para sa 149th British Open 2021 sa England sa July 15-18. Pero makakaapekto ito sa napipinto niyang pagkuha rin ng ticket para sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo na inusog ng pandemya sa darating ding July. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.