Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan asinta ika-2 ‘JGT’ title

0 110

Pupuntiryahin ni 2020 Tokyo Olympic-bound Juvic Pagunsan ang ikalawang titulo sa pangatlong sunod na pagkakataon sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 16th leg ¥100M (P44M) 88th Japan PGA Championship na sisiklab ngayong Huwebes sa Nikko Country Club sa Nikko City, Tochigi Prefecture.

Kinopo ng 43-year-old Pinoy shotmaker mula sa Bacolod ang unang titulo sapul nang maging JGT regular campaigner noong 2012 sa 13th leg, ¥80M (P35.2M) 51st Mizuno Open sa Okayama noong May 30, nagsalba rin sa kanya upang makapasok sa top 60 Olympic rankings upang maging bet ng ‘Pinas sa buwan ding itong Summer Games sa Japan.

Pagbawi ang nasa kukote ni Pagunsan sa torneong ito dahil pagkaraan nang makasaysayang tagumpay sa Mizuno’y sumblay sa cut sa sumunod na dalawang torneo – tie sa 88th sa JGTC Mori Building Cup Shishido Hills noong June 6 at tabla sa ika-69 sa Dunlop Srixon Fukushima Open nitong June 27 lang.

Ang isa pang pambato ng bansa ay si Angelo Que ng Maynila na pakay rin ang second championship makaraang maghari sa 2018 Top Cup Tokai Classic sa Aichi. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.