Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan asinta unang titulo

0 201

Hanap pa rin ni Juvic Pagunsan ang unang titulo sa isang dakadang pagkampanya sa kasalukuyang taon sa pagsambulat ngayong Huwebes ng 48th Japan Golf Tour 2020-21, 10th leg, ¥50M (P22M) 1st Japan Players Championship sa Nishinasuno Country Club sa Nasushiobara City, Tochigi Prefecture.

Buhat nang mag-qualify sa JGT noong 2012, ito na ang 154th events ng edad 42-anyos at tubong Bacolod, na bokya pa sa kampeonato. Nakaanim na beses na siyang sumegundo – tig-iisa noong 2012, 2013, 2017 at 2019, at nakadalawa noong 2014.

SM food to go Banner Ad

Papalo rin sa apat na araw na kumpetisyon sa 72 butas na may 144 starters ang dalawa pang pambato ng ‘Pinas na sina Angelo Que ng Maynila at Fil-Am Justin delos Santos na magkakaloob sa maghahari ng ¥10M (P4.3M)

Leave A Reply

Your email address will not be published.