Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan biniyayaan ng P109K

0 43

Kumita ng ¥236,800 (P109K) si Juvic Pagunsan nang magsubi ng closing 71 pa-three-over 287 sa paglanding sa quintuple tie sa 58th spot sa pagtiklop ng 48th Dunlop Phoenix Tournament 2020 sa Phoenix Country Club in Miyazaki City, Miyazaki Prefecture, Japan Linggo ng hapon.

Related Posts

Naghari sa 72-hole na pang-apat sa may limang leg lang nang pinerwisyo ng Covid-19 na 48th Japan Golf Tour 2020 si Tokumi Kanaya na wagi sa playoff kay Tomohiro Ishizaka tapos nilang magtala ng tig-271 at 69 at 70 sa final round.

May grasyang ¥20M (P9.2M) si Kanaya habang may ¥10M si Izhizaka. Pumangatlo ang isa pang local bet na si Yuki Inamori (68-272) na may ¥5.8M. Matatapos ang mayamang region’s circuit sa Golf Nippon Series JT Cup sa Dec. 3-6 sa Tokyo. (Raml Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.