Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan kumasa ng 66

0 72

Gaya ng init sa katanghalian si Juvic Pagunsan bago sumama ang panahon at matigil ang laro ng mahigit isang oras, pero tinapos ang XXXII+I Summer Olympics men’s individual golf opening round sa maangas na five-under par 66 para samahan ang dalawa sa panlimang puwesto sa Kasumigaseki Country Club sa Kawagoe City, Saitama Prefecture, Japan Huwebes.

Inspirado sa tagumpay sa Mizuno Open ng Japan Tour noong May at gold ni Hidiyln Diaz sa women’s weightlifting 55kg noong Lunes, bumira ang 43-year-old Pinoy shotmaker ng six birdie at one bogey lang sa kursunada niyang par-71, 7,447-yard East Course.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Iwan lang si Pagunsan ng tatlong palo sa nangungunang si Sepp Strata ng Austria na may makinis na eight-under 63 oara sa one stroke lead naman kay Jazz Janewattananond ng Thailand. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.