Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan kumita ng P129K

0 166

Pumalo sa pangatlong pagkakataon sa apat na araw si Juvic Pagunsan ng one-under-par 70 upang humanay sa siyam na may two-under 282 para sa ika-38 posisyon na may ¥288K (P129k) bawat isa sa pagrolyo ng 88th Japan Golf Tour 2020-21 eight leg 87th Kansai Open Championship sa Royal Course ng Arima Royal Golf Club sa Kobe City, Hyogo Prefecture Linggo ng hapon.

Tinanghal na hari si local bet Rikuya Hoshino na may 69-270 para sa two-stroke victory kay Chan Kim ng USA ((71-272) at mapasakamay ang ¥12M (P5.3M). Tersero si Seong-Hyeon Kim ng South Korea (65-273).

Walang naging parte sa papremyo ang isa pang entry ng ‘Pinas na si Justin delos Santos na na-cut second round.

Sunod kina Pagunsan at Delos Santos ang 61st The Crowns sa Nagoya Golf Club-Wago Course sa April 29-May 2. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.