Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan lumagpak

0 132

Nanlamig si Juvic Pagunsan sa nakakadismayang two-over-par 73 upang malaglag sa ika-25 na puwesto tapos ng 2020+1 Tokyo Olympics men’s golf individual second round na muling inulan sa Kasumigaseki Country Club-East Course sa Saitama, Japan Biyernes ng hapon.

May bogey ang Pinoy shotmaker sa mga hole na No. 5, 8, 11 at 13 para haalos mawalang saysay ang mga birdie sa hole 6 at 15 upang isumite ang 136 kasama ang opening 66 sa pagsalo sa nine-way tie sa 25th spot sa 72-hole stroke play, four-day event.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Galing siya sa pagsalo sa panlima sa first round.

May 63 si Xander Schauffele ng United States para sa 11-under, isang palong abante kay Mecican Carlos Ortis. (Angelito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.