Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan palo na sa round 1

0 86

Babalatan ni Juvic Pagunsan ang kampanya sa 32nd Summer Olympic Games 2020+1 men’s golf individual first round ngayong alas-6:30 nang umaga (oras sa Maynila) sa Kasumigaseki Country Club-East Course sa Kawagoe City, Saitama Prefecture, Japan.

Mataas ang kumpiyansa ng 43-year-old Pinoy shotmaker mula sa Bacolod na galing sa first pro career win sa may 10-year campaign sa 48th Japan Golf Tour 2020-21 13th leg, ¥80M (P35.2M) 51st Mizuno Open sa Okayama noong May.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I am pretty excited to represent the Philippines,” ani Pagunsan sa nakatakdang 72-hole stroke play, four-day event. “Who knows baka suwertihin tayo sa Olympics.”

Magpapahinga ng dalawang araw ang aksiyon sa sport bago isalang ang women’s individual sa kagayang format sa August 4-7 sa nasabi ring playing-venue. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.