Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan pinili ang Olympics

0 64

Paghampas sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong ng pandemya sa parating na July ang mas matimbang para kay Juvic Pagunsan kaya naman liliban na siya sa 149th British Open 2021 sa England sa Hulyo 15-18.

Nag-qualify ang 43-year-ol Pinoy shotmaker mula sa Bacolod sa quadrennial sportsfest nang pumasok sa Top 50 sa men’s golf Olympic rankings pagkaraang pagharian ang 48th Japan Golf Tour 2020-21 13th leg, ¥80M (P35.2M) 51st Mizuno Open sa sa Okayama nitong Mayo.

Kinumpirma Miyerkoles ni Pagusan desisyon para sa Tokyo Games sa Facebook golf page ‘The Perfect Drive P.’

“I am pretty excited to represent the Philippines. Who knows baka swertihin tayo sa Olympics,” lahad niya.

Ito rin ang ipinahayag ni National Golf Association of the Philippines (NGAP) secretary general Valeriano Floro II, “Juvic confirmed for the Olympics.”

Ang travel at COVID-19 quarantine restrictions sa Japan ang humikayat kay Pagusan na ipagpaliban ang kanyang second stint sa British Open makalipas noong 2012. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.