Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan, Que abante sa finals

0 240

Kapwa pumoste ng one-under par 71 sina Juvic Pagunsan at Angelo Que upang pumasok sa last two-round finals ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 11th leg, ¥100M (P44M) 44th Asia Pacific Diamond Cup Golf sa East Course ng Sagamihara Golf Club sa Sagamihara City, Kanagawa Prefecture Biyernes.

Kasama ang 69 sa opener Huwebes, may 140 total sa halfway ang Bacolod native na si Pagunsan na mula nga lang sa pagtabla sa tersera’y nalaglag sa anim na magkakasalo sa ika-13 puwesto, apat na palo lang ang layo sa mga lider na sina Japanese Taiga Sugihara (65) at Shaun Norris ng South Africa (67) na kapwa may 136s.

Nasa 12 salo-salo sa ika-60 posisyon si Que sa pagsabit sa pinale sa 146 na cutoff scores, samantalang kabyos ang isa pang pambato ng ‘Pinas na si Fil-Am Justin delos Santos na may 78-151. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.