Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan, Que tabla sa 27th

0 57

Nagposte ng two-under par 69 sina 2020+1 Tokyo Olympian Juvic Pagunsan at Angelo Que upang mahanay sa 13-way tie sa 27th spot sa pagsiklab ng 48th Japan Golf Tour 2020-21 25th leg ¥83M (P37M) 1st ISPS Handa Gatsu-n to tobase Tour Tournament sa Miho Golf Club sa Miho, Ibaraki Prefecture.

SM food to go Banner Ad

Iwan ang dalawang Pinoy shotmaker ng limang palo sa lider sa 96-player, 72-hole stroke play, 4-day golfest na si Rahil Gangjee ng Indiana may mainit na simulang 64.

Ang isa pang bet ng ‘Pinas na si Justin Delos Santos nasa joint 55th sa even-par 71. Abante lang ng one-shot si Gangjee kay local bet Yuka Uetake (65). Tato pang Hapones at isang pambato ng Zimbabwe ang mga bumubuntot sa 66. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.