Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagunsan sadsad sa ika-55 puwesto

0 84

DUMAUSDOS pa si Juvic Pagunsan kahapon palayo sa asam na medalya matapos itong magtala ng nakakadismayang five over-par 76 sa ikatlong round ng golf competition ng 2020 Tokyo Olympics sa Kasumigaseki Country Club sa Saitama, Japan.

Nagtala ng limang bogey ang 40-anyos mula Bacolod City na si Pagunsan sa hole 5, 11 at 12 pati na sa 15 at 17 upang mapag-iwanan sa labanan sabindividual stroke play format na torneo na ika-55 puwesto.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Unang itinala ni Pagunsan ang 66 sa unang araw para manatili sa labanan sa medalya bago na lamang kinapos sa ikalawang araw na total sa 73 at 76 sa ikatlong araw para sa kabuuan nito na 215 stroke.

Unang pagkakataon ni Pagunsan na sumabak sa torneo matapos itong makapagkuwalipika sa Olympics. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.