Abante Tonite Interactive

Pagwalis ng mga kurakot sa PNP pinalakas

427

Pinagana na ng Phi­lippine National Police (PNP) ang Integrated Monitoring and Enforcement Group (IMEG) kapalit ng dating Counter-Intelligence Task Force (CITF) upang palakasin pa ang kampanya nito laban sa mga tiwali at abusadong pulis.

Personal na pinangunahan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año at PNP Director Gene­ral Oscar Albayalde ang ginawang seremonya sa Camp Crame nitong Biyernes nang hapon.

Ayon kay Año, sa pamamagitan ng IMEG ay mas mapapalakas pa ang kampanya laban sa mga tiwali at abusadong pulis o iyong tinatawag na internal cleansing ng pambansang pulisya.

Pamumunuan pa rin ni Police Col. Romeo Caramat Jr. ang IMEG at dahil ito’y itinututring nang National Support Unit, kinumpirma ni Albayalde na iaangat sa police brigadier general ang ranggo ng sinumang pinuno nito.

Sa panig naman ni Albayalde, sinabi nito na maliban sa internal cleansing, mas mapaiigting pa ng IMEG ang kanilang kampanya kontra iligal na droga dahil sasalain na nito ang mga pulis na pasimuno o sangkot sa illegal drug trade

“Dahil ang IMEG would be considered a national operating support unit. Ang commander would be upgraded to PBGen. There is a big chance that he will be promoted but of course it would undergo a process at i-endorse pa sa Napolcom who would have to approve it. In principle, even the SILG approve na. Sinabi na we just have to endorse it,” pahayag ni Albayalde sa press conference sa Camp Crame.

Kailangan aniya ng karagdagang manpowe­r ng IMEG pero habang wala pa ay kukuha muna ng reinforcement mula sa hanay ng Special Action Force.
“At the same time hindi lang basta-basta na puwedeng pumasok sa IMEG.

Ito will institutionalize internal clean­sing sa PNP. Will not only involve erring PNP personnel but also involve graft and corrupt practices kung meron man,” dagdag ni Albayalde. (Edwin Balasa)