Abante Tonite Interactive

Pagwasak sa mga Duterte ‘di lang sa ‘Pinas worldwide na

By
4

Kitang-kitang pang-international attack ang ginagawa laban sa pamilya Duterte ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo.

“Alam mo napaka-obvious naman kung nanonood ka ng Senate investigation hearing napakaklaro na ang intensyon nang nasa likod ni Matobato ay sira­in ang pamilyang Duterte hindi lamang dito sa ating bansa kundi lalung-lalo na sa international sapagkat covered ng mga networks sa buong mundo nakita mo sa CNN lang shocking accusations against Philippine President talagang ‘yun ang intensyon.

Pero kung papanoorin mo ang sinabi ni ano (Matobato) talagang incredible,” pagkokomento kahapon ni Panelo sa isang panayam.

Unang-una aniya tatlong taon ng nasa Witness Protection Program (WPP) at gumawa si Edgar Matobato ng affidavit tatlong taon na ang nakalipas.

“Bakit wala doon ni isang bagay ang mga sinabi nya sa Senado sinabi naman ni Sen. De Lima ‘yun.

Panga­lawa, ‘yung mga ma­ling sinasabi nya na kinokontra ng mga nakakaalam like nung panahon ng PAOCTF hindi naman pala sinabi nya na pinatay sa Mc Donalds hindi rin sa ibang lugar tapos may kine-claim sya na para sya ay credible grade one sya tapos nalaman ng isang researcher dyan sa ANC e high school graduate pala mara­ming mga sinabi na hindi tumutugma sa katotohanan obviously he is a perjured witness tinuruan lamang para sirain ang Pa­ngulong Duterte,” paliwanag pa ni Panelo.