Abante Tonite Interactive

Pagyabungin ang bamboo industry

0 229

Ang pagbuo ng state coordinating agency para sa bamboo deve­lopment ay isinusulong ngayon sa Senado sa pangunguna ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na siyang magpapalakas sa kakayanan ng Pilipinas na makuha ang share ng $20 billion bamboo market sa buong mundo.

Sa Senate Bill No. 1478 o Philippine Bamboo Industry Development Act na inihain ni Zubiri, layunin nito na makabuo ng Philippine Bamboo Industry Deve­lopment Council.

Maganda ang layunin ng panukalang batas na ito. Nanga­ngahulugan kasi ito na yayabong ang bamboo industry sa ating bansa dahil magkakaroon ng maraming trabaho bukod sa maaaring maging top exporter at dollar generator pa tayo.

Ilang linggo na ring pinagdedebatehan sa Senado ito. Biruan ng mga senador, halos wala na raw kamata­yan ang debate sa Bamboo bill na ito.

Akala mo simpleng panukala pero puno ng palitan ng kuro-kuro at ideya ang ginagawa ng mga senador sa panukalang ito May pagkakataon pang nagkapikunan sina Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senador Cynthia Villar dahil kinuwestiyon ng seasoned Iloilo lawmaker ang P2 bilyong pondo para sa bamboo industry development.

Pero sabi nga ng isa sa mga may-akda nito, si Zubiri, malaki ang potensiyal ng Philippine bamboo industry para makuha ang mas malaking share natin sa world market. Maaari kasi tayong maging top exporter nito.

Kaya lang nauudlot ang development ng bamboo industry sa bansa ay dahil sa kawalan ng ahensiya ng gobyerno na tututok dito. Kaya pursigido si Zubiri at ang iba pang senador na isabatas ang panukalang ito.

Ilan pa sa hadlang sa pag-unlad ng bamboo industry sa Pilipinas ay ang nabuwag na programa para dito, kakulangan ng polisiya at kawalan ng insentibo para makahikayat na magkaroon ng puhunan para dito.

Sa ilalim ng Se­nate Bill 1478, magbubuo ng Bamboo Industry Research and Development Center (BIRDC) kung saan magtatag ng mga bamboo nursery, plantation at proces­sing facility para mapalakas ang produksiyon at komersiyalisasyon ng mga produktong nagmula rito.

Magpo-promote dito ng market access sa teknolohiya at produkto; mag-e-eva­luate sa performance ng industry programs at project at magkakaroon din ng partnership sa private sector at iba pang government and non-government agencies para sa implementayson Philippine Bamboo Roadmap (PBR).

Bukod diyan, maaari din tumanggap ng mga grant, donation, at contribution mula sa local at international donor.

At panghuli, magsasagaw rin ng capabi­lity-building initiatives para sa farmers, processors, designers at iba pang stakeholders.

Sabi ni Zubiri, maraming nagnenegosyo dito ang gumamagamit ng mga makina na hindi naman akmang gamit sa pagproseso ng kawa­yan. Bukod diyan, nagkakaroon rin ng shortage sa supply ng bamboo raw materials.

Nakasaad din sa panukala na kailangang at least 20% ng annua­l plating materials ay kakailanganin sa National Greening Program. Mandato rin nito gamitin ang kawa­yan sa paggawa ng at least 25% ng mga desk at upuan para sa public primary at secondary school.

Maraming pakinabang kung lalo pang yayabong ang bamboo industry.

Nakapakaha­laga rin kasi ng environmental benefit nito dahil ina-absorb nito ang carbon dioxide na mas higit pa sa mga puno at nagbibigay ng 35% na mas mataas na oxygen kesa sa mga puno.

Nakakautlong din para maging matibay ang mga riverbank at nakakatuong rin para mapigilan ang erosion o pagguho ng lupa.

Halos tapos na debate ng Senado tungkol dito at siguradong bago matapos ang sesyon sa Marso 13 maipapasa na ang panukalang ito.