Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pagyanig ng Bulkang Taal tumumal – Phivolcs

0 84

Tumumal na at nabawasan ang naitalang pagyanig sa Bulkang Taal sa huling 24 oras.

Ayon sa anunsyo ng Phivolcs nitong Miyerkoles, anim na volcanic tremor lang sa huling 24-oras ang naitala.

Sa kabila nito’y mataas pa rin ang lebel ng volcanic sulfur dioxide na binubuga nito at nananatili pa rin sa Alert Level 3 ang bulkan.

Sa huling tala ng ahensya ay nasa 1.5 kilometro pa ang taas ng kemikal na lumalabas sa bunganga ng bulkan kung saan ang average sulfur dioxide emission ngayon ng Taal ay nasa 4,184 tonelada.

Leave A Reply

Your email address will not be published.