Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pahinante na-sandwich sa 2 dump truck

0 9

Nasawi ang isang pahinante matapos niyang maipit sa pagitan ng dalawang dump truck sa national highway ng Barangay Imok, Calauan, Laguna, Miyerkoles ng tanghali.

Kinilala ang biktima na si Romy Lazarito, 42, residente ng Noveleta, Cavite.

Batay sa report ng Calauan Police, ang biktima ay naipit sa pagitan ng dalawang Sino dump truck na parehong pag-aari ng kanilang trucking services.

Nasiraan umano ang isa sa mga trak kaya tumawag ang driver sa ikalawang dump truck na sinasakyan ni Lazarito para magpatulong sa pagpapalit ng goma.

Habang kinukuha ng biktima ang reserbang goma sa likod ng nasiraang truck, biglang umabante ang kanilang dump truck na nakahinto sa likuran ng una.

Naipit ang mga binti ng biktima sa mga bakal sa pagitan ng dalawang trak na nagdulot ng grabeng sugat.

Isinugod pa si Lazarito sa ospital sa San Pablo City subalit idineklara na siyang dead on arrival ng doktor.

Samantala, kinustodiya naman ng mga pulis ang driver ng umabanteng trak at sasampahan ng kaso. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.